dahil sa sobrang yamot sa akin ng prof namin sa college algebra, binagsak nya ko. syet. 1st time, first year, second semester...nagkaroon ako ng singko. pambihirang bagoong. nung mga panahong yun...nung umuwi ako, wala ako sa sarili. hawak ko ang classcard ko...nakabilog ang numerong 5 sa classcard ko. kulay red pa yung ginamit na pambilog. punyeta...gusto ko nang matunaw...hiniling ko din nun na sana, hindi na mauso ang classcard kinabukasan.ayun. nag-summer class ako. tyinaga ko talaga. wala na kong pakialam sa mga sasabihin ng iba. basta ako, magsa-summer.
marami akong nalaman sa loob ng isa't kalahating buwang itinagal ko sa summer class namin. nalaman kong:
*hindi lang pala ako ang may ayaw ng math...madami kami!
*mahirap akyatin ang gusaling may anim na palapag ng walang tigil-tigil.
*mas mahirap akyatin ang gusaling may anim na palapag habang sinasabayan mo ng pagkain.
*mas madaling mag-elevator...
*masarap ang iced coffee sa tanghali.
*minsan, kailangan mong sundin ang kutob mo, kasi mare-realize mo na tama. (dapat talaga pumasok ako eh...)
*maraming gagong prof sa mundo.
*maraming galanteng prof sa mundo.
*marami kang makikilalang friends pag nag-summer ka.
*may mga taong magaling sa math..tamad lang.
*masarap din pala maging mapag-isa habang tinatahak ang byahe pauwi.
at madami pang iba...
hindi ko na sasabihin ang nakuha kong grade nung nag-summer ako. basta kung kao ang papipiliin, mas masarap mag-summer...mapapangiti ka sa grades mo...pramis!
***ang nasa itaas na pic ay isang scratch na ginamit ko nung nag final test na kami. ang buong yellow paper na yan ang nagligtas sa akin sa kapahamakan nung mga panahong iyon. salamat kay kuya dahil sinagot nya ang tanong ko!***
No comments:
Post a Comment