Wednesday, June 27, 2007

your God has spoken...

kami'y nagbabalik, sabik na sabik...
malapot pa sa kumunoy at kay Nardong Putik...

hay! na-bad trip talaga ako sa imeem...pero ayus na ako. hehehe...

eniwey...

i had this weirdest dream last monday night. tatlo yata ang naging panaginip ko nun pero ito ang pinaka-natandaan ko kasi ito yung pinaka-last...at pinaka-maganda. hehehe.

here it goes:

Nasa isang bahay (bakante_ daw ako kasama ang typecast (ewan ko kung bakit typecast...hindi ko sila masyadong type)! Ayun, jamming...nang! The lead vocals told me na may gig sila mamaya at ang problema, hindi makakatugtog ang bassist nila dahil...meron daw injury sa kamay (pero andun yung bassist ng mga panahong iyon...weird) at...kinukuha nila akong maging bassist nila for that gig!

*what?! e hindi nga ako marunong mag bass guitars eh!*

at sa panaginip kong yun, mukha talagang magaling akong bassist dun kasi um-oo ako!

*na-realize ko na nung araw na yun, (monday), napapag-usapan namin ni Momochang kung paano tumugtog ng bass guitars...at kung magkano ba ang isang electric bass guitar...*

e di yun na nga! at nalaman ko pa na sa Alma Mater ko ng highschool sila magpe-perform! Along with Chicosci and Rivermaya!

*Although nabanggit nga ang chicosci eh di ko naman sila nakitang lahat bukod kay Calde (siguro sa bassist issue pa rin). ni hindi nga sila nag-perform eh...

Nag-front -act ang Typecast sa dalawang banda...at ako naman...parang talagang sobrang galing ko kasi nakakapag-bass nga ako! huwaaattt?! hehehe

*Ayus!!! hehehe*

AT ITO NA ANG PINAKA-MALUPIT SA LAHAT NG MALUPIT KONG PANAGINIP!

Nasa "Dressing Room" kami nun, may mga kasama ako, ewan ko kung mga friends, pero karamihan sa kanila babae. At nang marinig na naming nagse-set-up na ang Rivermaya, agad kaming nagtatakbo papunta sa stage!!! Yung mga kasabay ko, nagtitilian sila, at sinisigaw ang pangalan ni "Japs!"

*Japs is also a bassist of Rivermaya...*

Pero ang sinisigaw ko daw eh "Blanco!!!"

*Rico Blanco is one of my crushes ...~blush~ At friend ko sya sa Multiply! at sa Myspace!*

Tapos...ang sumunod na eksena, nasa stage na ako! With Rivermaya! di ko alam kung paano at bakit! Basta! Tapos, nilapitan ko daw si Rico nun, at sinalubong nya ako ng isang yakap!

*what?! nosebleed!!!*

At nang yakapin nya ko ng mahigpit...dinala nya ako and we jumped into the mosh pit! waahh!! tapos, may binulong sya sa akin habang ang bigat namin ay nasa audience. eto ang sabi nya..

"yeah. This feels good."

After that, we landed on our foot, and Maya ended their performance.

Pagkatapos nun...ewan ko na ang nagyari. nakalimutan ko na pero alam ko, nakiki-hang-out pa ako nun sa Rivermaya, Chicosci, at Typecast. And when I took a glance on Blanco, he smiled at me...

_end_

Nagising ako ng 4:30 AM. Na-realize ko, naka-ngiti ako. Ang galing. Minsan lang ako ngumiti sa mga tulog ko...grabe. Ang saya talaga. At para di ko makalimutan ang panaginip ko, tinext ko ang sarili ko...dinetalye ko lahat ng napanaginipan ko.

Yun. Nai-share ko lang.

No comments: