Thursday, May 31, 2007

now that's what we call ACTION!



MGA BRUTAL..ANG AGA-AGA NAG JOJOMBAGAN...Haay...

things i do when boredom overcomes me...part PAYB!


Dahil may katangahan ako sa ilang lugar dito sa pinas...humingi na ako ng payo sa aking kapatid...di halatang nagtatalo na kami nyan dahil ang kulit kong magtanong... ang tanging nasabi ko nung huli ay...
ako: "Ah...e panu nman tong..."
kuya: (iritable na at nilukot ang papel) "Agrh! ayoko na!"
ako: (pinulot ang papel) ah. okay. bahala ka kapag naligaw ako ha."
*smile*
ANG HINDI MAKUMPLE-KUMPLETONG LISTAHAN NG MGA KANTANG GUSTO KONG IPA-BURN. AHAYY...

things i do when boredom overcomes me...part por!--pabor...

eto naman...sa biology class namin. WALA NA NAMAN si Maam!!! ka-kwentuhan ko si Makon nun tapso may naikwento akong isang "love situation" sa kanya. pero ang totoo, napanood ko lang ang situation na ito sa isang episode ng mirmo de pon! iniba ko lang yung mga characters...si Makon, si James (talent namin sa music vid na crush ni makon,,,nung una), si Sir Dekky (pantasya naming dalawa ni maKon), chicosci (ako yun, kasi tawag nila sa kin sa classroom chicosci), Miggy (chavez), at yung isa ay di ko ma-identify dahil nakalimutan ko na kung anong pangalan ang sinulat ko dun. ayun...
yung PUSA, dinagdag ko na lang para cute..hehehe

things i do when boredom overcomes me...part tRi!

eto naman, dinrowing ko nung nagka-klase kami sa filipino. medyo nakakawalang gana yung dini-discuss ni sir kaya...ayan nag-drawing ako na karaniwang ginagawa ko kapag supah bored ako! kanang kamay ang pinang-drawing ko dyan. pangalawang drawing ko yan. yung una kong drawing, hiningi sa kain ng kaklase ko. ang ganda "daw". e, bukid lang naman yun, tsaka nasingitan ng isang samurai. ayun, di ko na mabawi. hehehe.

about the drawing...it shows the real me. my interests and hobbies, my dreams (represented by stars), etc. yung nasa upper left, there is a replica of a person (me), with two shadows. the shadows represents the good and bad sides of me. the darker shadow, yun yung bad...mapapansin nyo mas malapit sya sa replica..ibig sabihin, masama akong tao. nyahahaha...joke lang. sa upper right naman, yun nga, drawing, sketches, scribbles...and a pen. i don't use pencils first in drawing. ballpen agad. kaya sobra kaong mag-aksaya ng papel eh...napansin nyong may jacket dun...wala lang...trip lang. sa ibaba, bandang kaliwa ay ang passion ko bilang musician. *yown oh!* hehehe...to write a song, to play guitars...yun. anyway, kanta yung pumapalibot sa person na walang ulo na naggigitara. "the promise" ng chicosci...nae-LSS siguro ako nyan..kaya yun ang nasulat kong kanta. katabi naman nun, mga photographs tsaka film na naka-insert sa isang photograph. hilig ko din kasi ang photography at syempre cinematography...ayun.

yung nasa baba, pirma ko.

things i do when boredom overcomes me...part tu!


eto naman...sinulat ko, one night after nung unang gig ng chicosci na naatenan ko sa bridgeway bar sa cainta...with sAydie. ito ang unang gig ng chicosci na napuntahan ko kaya ato, naparami ako ng kwento. dalawang page toh...kaso di ko na nilagay yung 2nd page kasi ayoko. kanang kamay ang pinansulat ko kaya mukhang tanga lang...pero cute naman di ba? hehehe (sa mga di nakakaalam, meron kaong talent na kayang makapagsulat sa kanan at kaliwang kamay...ng maayos at nababasa._
sige na nga, idid-discuss ko na ang talent ko:
pinanganak na akong kaliwete. lahat ng gawaing kinakailangan ng kamay, kaliwa ang pinanggagamit ko. kaliwang kamay din ang pinangdo-drawing, pinangle-lettering at pinang-susulat ko sa mga compositions na kailangang pinapasa ng maganda sa mga teachers. nakapanggagaya ako ng sulat-kamay ng iba, at kung anu-ano pa.
natuto naman akong magsulat sa kanang kamay ko nung grade six ako. gusto ko kasi, maging kakaiba ako sa lahat. kaya ayun, pinaraktis ko...kahit sobrang hirap sa simula. noong mga bandang third year na ako, na-master ko na (hehe). unti-unti nang naiintindihan ang mga sinusulat ko tsaka napapanatili ko na sa line yung mga words. kaya ginagamit kong pansulat ang kanang kamay ko kapag tinatamad ako, kapag masyadong mabilis mag-lecture ang professor at hindi mahabol ang mga notes na kailangang isulat, kapag pumipirma ako, nakakagay din ako ng pirma ng iba, kapag magsusulat ako ng kwento at kapag gusto kong gumawa ng SCRIBBLES na mukha talagang SCRIBBLES.
YUN NAH.

things i do when boredom overcomes me...


i drew it while listening to sandwich's radio concert at rx...nung una, yung APRIL lang ang nilalagyan ko ng Boarder, tapos ayun, lumawak na...hehehe...yung katawan ng babae na walang ulo...sa shoes ko sinimulan kasi nasabi ni Mong sa interview sa radio na gustong-gusto nya talaga ang shoes. hehehe. nakasulat din dyan yung mga songs na kinanta ng Sanwich all throughout the concert series. nirecord ko pa yun sa tape...hahaha. yung malaking EWAN dun sa left side...kamay yun na may paa...

Tuesday, May 29, 2007

i thought my birthday would be dull and depressing...hindi pala!

hehehe...senti mode ako kaninang umaga. medyo malungkot kasi nga dahil sa lister's night issue. feeling ko, ito na ang pinaka-malungkot na birthday ko. may nagtetext na sa akin, bumabati na ng happy birthday...medyo gumaan ang pakiramdam ko. at least, may talagang nakakaalala sa akin. yung iba naman, binati ko ng good morning,,,hoping na may matandaan sila kung anong meron sa araw na ito, pero, iilan lang talaga ang nakakaalala. how disappointing, pero ayos pa din.

around 1 pm, nagtext sa akin si mitchy. tinatanong nya kung nasa bahay daw ba ako. sinagot ko ng "oo, bket?". dun pa lang, nakutubuan na ako. pucha! pupunta sa bahay namin tong mga toh! panu yan? wala kaming handa! hindi ko sila nasabihang sa linggo pa ako magkhahanda?!

nakiramdam na ako...ayun, mga bandang 2 ata yun, sinabi ni kuya na nasa labas na nga daw sila! hala! buong cast ng SherMiJeLiSiGeLaGe (plus yung bf ni genelle)! As in, kumpleto! grabe talaga, sobrang nakakatuwa!!!

ayun, manunuod sana kami ng Zsa Zsa Zaturnah, pero di na namin natapos, pati yung disc 2 kasi nga, puro na lang kami kwentuhan at tawanan. ngayon lang kasi kami nagkakwentuhan at nakumpleto...yung last activity kasi naming "pinoy big brother sa kubo nina Gen", kulang kami ng dalawa, umuwi pa ako nung madaling araw. sobrang saya ko talaga!

nakauwi na sila ng bandang 7:30...nagpatila lang ng ulan...

sa sunday...andito ulit sila, kasama ng iba ko pang mga kaibigan galing pup, at iba pang batchmates noong fourth year.

haay...i want to take this opportunity na din to thank all of those people na bumati sa akin ng hapi-hapi birthday:

My Family na laging pambati sa akin ay yung galing sa "ang cute ng ina mo!" yung... heypi birthdey to yey!

Sheryl (salamat sa barkada trip ng mms)
Michelle (huwag mo nang bitawan yang cellphone mo para di pagtripang itago)
Jerome (ang payat mo!)
Liezel (hehehe...pareho pa rin tayong makulit tumawa)
Sid (Sayang umuwi ka agad...)
Generaldo (salamat sa mga pics at games at yung card reader mo...)
Genelle (oi dota girl...naka-jackpot ka sa bf mo ha!)
Kuya -bf ni genelle- (oi...kuya ang bait mo sobra! sana maging close tayu!)
Ate Ratna (june 13 please...hehehe..we're starving to death!)
Ate Mei (kahit hindi tayo nakapunta sa guijo...ayus lang! )
Russel (salamat ng marami sa pagbati at sa pagkakaibigan...)
Alison (kahit hindi kita nakausap at nakita ngayon...maraming salamat! )
Michelle Antonio (salamat girl!)
Mary Grace Quirimit (salamat bhez,.,., naaalala mo pa pala birthday ko!!! waaahhh!)
Leonelyn (oo pre! dalaga na ako!)
Mga ka-listers kong sina Kuya Berns, Kuya Ap, kuya Jho, Ate Yem, Ate Leigh (manager ng cambio), at sa iba pa...Salamat po!!!! (feel na feel ko na talaga na kabilang na ako sa club andwich! sayang hindi nyo ako maisasayaw ngayong gabi...at hindi nyo din ako mapapakanta!! )hehehe
Kuya Pert (salamat sa advance gift mo sa akin! kailangan pa nga lang labhan!)
Cheenie (salamat pre...sana makita mo uli yung kamukha ni Mong na nakasakay mo sa tricycle kanina)
Aish (sensya na pre, di kita natulungan sa drama mo...)

yung iba pwede pa namang humabol...

hehe...

P.S

Dear Papa Jesus,

Super Sorry dahil hindi kita nadalaw sa haus mo ngayon...sana mapatawad mo ako at sa lahat ng mga kasalanan ko, nagsisisi na ako ngayon. bukas pramis, dadalawin kita, kukwentuhan ng mga masasayang alaala at hihingan na naman ng pabor. Salamat po sa araw na ito...thanks you lord! lav yah!

ang mabait mong Anak na crush na crush talaga si Mong...

LARIC

Saturday, May 26, 2007

let me go out..let me have a blister in the sun

http://www.youtube.com/watch?v=4tCL3bTFDog

Thursday, May 24, 2007

hey yow

http://www.youtube.com/watch?v=N-VTgL56w2I

nagbabadya na naman ang malakas na ulan...


hayy...madilim na naman ang kalangitan.

umiihip na naman ang malamig na hangin.

ayan na ulit ang ulan.




Wednesday, May 23, 2007

Sandwich Crew with Me of course...











start of something NEW!

Hayy...di ko ma-open yung blog na ginawa ko KAHAPON lang! kumusta naman yun?! baka nagkamali lang ako ng pagkaka-type ng e-add ko ng di napapansin. hehehe. good luck na lang dun.

anyway, depressed mode ako ngayon. bakit?

HINDI AKO PINAYAGANG PUMUNTA SA SANDWICH LISTER'S NIGHT.

ARAY.

Nakakainis. todo asa pa naman ako na makakapunta ako. ayan tuloy, malungkot ang 18th birthday ko.

Ang mali ko kasi, sobrang na-excite ako. Todo-plano pa ako kung paano pumunta dun, etc. nagtanong-tanong pa ako kung pano pumunta dun. ngayon ko lang nalaman, nasayang lang pala ang lahat ng efforts at excitement ko.

OKAY LANG?...

...HINDI DIN.

Natapat ang pinaka-importanteng event na iyon sa pinaka-importanteng araw din ng aking buhay. Syempre Naiyak ako nang hindi ako pinayagan. nagmukmok ako sa kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikibo ang ilang kasamahan dito sa bahay. Sino ba namang hindi malulungkot nun? yung pagkakataong makita mong mag-perform ang isa sa paborito mong banda sa araw pa ng birthday mo? minsan lang yun...Nawala pa.

PAKIRAMDAM KO, NABAWASAN NA NG SAMPUNG TAON ANG AKING BUHAY.

Depressed lang siguro ako ngayon kaya ko nasasabi ang mga ito. mabuti na ring ilabas ko kesa naman kinabukasan e wala na ako sa dati kong katinuan.


save me now...