Wednesday, May 23, 2007

start of something NEW!

Hayy...di ko ma-open yung blog na ginawa ko KAHAPON lang! kumusta naman yun?! baka nagkamali lang ako ng pagkaka-type ng e-add ko ng di napapansin. hehehe. good luck na lang dun.

anyway, depressed mode ako ngayon. bakit?

HINDI AKO PINAYAGANG PUMUNTA SA SANDWICH LISTER'S NIGHT.

ARAY.

Nakakainis. todo asa pa naman ako na makakapunta ako. ayan tuloy, malungkot ang 18th birthday ko.

Ang mali ko kasi, sobrang na-excite ako. Todo-plano pa ako kung paano pumunta dun, etc. nagtanong-tanong pa ako kung pano pumunta dun. ngayon ko lang nalaman, nasayang lang pala ang lahat ng efforts at excitement ko.

OKAY LANG?...

...HINDI DIN.

Natapat ang pinaka-importanteng event na iyon sa pinaka-importanteng araw din ng aking buhay. Syempre Naiyak ako nang hindi ako pinayagan. nagmukmok ako sa kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikibo ang ilang kasamahan dito sa bahay. Sino ba namang hindi malulungkot nun? yung pagkakataong makita mong mag-perform ang isa sa paborito mong banda sa araw pa ng birthday mo? minsan lang yun...Nawala pa.

PAKIRAMDAM KO, NABAWASAN NA NG SAMPUNG TAON ANG AKING BUHAY.

Depressed lang siguro ako ngayon kaya ko nasasabi ang mga ito. mabuti na ring ilabas ko kesa naman kinabukasan e wala na ako sa dati kong katinuan.


save me now...

No comments: