Wednesday, July 18, 2007

ang unang gamit kong may autograph ng gumawa nito...


hahahaha!!! ang librong to ay compilation ng mga comic strips na nalathala sa dyaryong inquirer. si Manix Abrera ang pasimuno ng lahat ng ito...basta kwento ko sa inyo mamaya...si-cr lang ako...

Saturday, July 7, 2007

ang pinaka-boring na araw sa buong mundo...part tri!


sa retorika ko pa din dinodrowing ang scribble na to. medyo weird silang lahat...lalo na yung isang fish na may dalawang ulo(bumabagabag kasi sa kin yung picture na nakita ko sa bookmark ni mage kanina...kambing, may palikpik?! oh camawn!), at yung maliit na mamang naka-bunny costume(naalala ko kasi yung sa cromartie high...may show dun na ang bida ay mga mamang may cute costumes...yun ang inspirasyon ko kaya na-drowing ko sina "boyet" at "mang justing".)
the rest was uh...hmmm.....kayo na humusga...

yan ang pen name ko sa subject naming writing for radio....

hindi naman halatang fan ako ng e-heads noh?! ohoy, gusto nyo? tyak yon!

Friday, July 6, 2007

ang pinaka-boring na araw sa buong mundo...part two!


ito naman ay sa mga oras na tinatalakay namin ang morality sa subject naming ethics. masya na sana ang lahat, kundi ko lang napansin na may kakaiba sa prof namin. akala ko, ako lang kaya ininda ko. pero dumaan ang ilangm inuto, di talaga ako makapag-concentrate! yun at yun talaga ang lagi kong tinititigan! shit talaga. kinonsulta ko ang isang kaklase...at nalaman kong hindi lang pala ako ang nakapansin. sya din, at madami pa kami....at tanging nagawa na lamang namin ay isulat ang maing kuro-kuro...at palagay...

ang pinaka-boring na araw sa buong mundo...



din-rowing ko to habang nagka-klase kami sa retorika. medyo nayayamot ako kasi ambaho...ng room namin. pucha, nakakasuka talaga...siya nga pala si "boyet". mahilig sya sa mga plapi hapi banis.





siya naman ang pakners ni "boyet". siya si "mang justing". mahilig naman sya sa mga kadli adorabol beybi bers.







eto naman ay si little red horse. masayahin sya. di lang halata. real name nya ay "chona."

ayoko ng math....pramis.

ito ang patunay na hindi para sa akin ang math. siguro kung magaling ka sa math, mumurahin mo ko at susumbatang...
"you know gurl,,,you're so stupid!"
at sasagutin kita ng...
"tang ina mo! magsama kayo ng square root of 3456.6! leche ka!"

the reason why i hate math...talaga.

dahil sa sobrang yamot sa akin ng prof namin sa college algebra, binagsak nya ko. syet. 1st time, first year, second semester...nagkaroon ako ng singko. pambihirang bagoong. nung mga panahong yun...nung umuwi ako, wala ako sa sarili. hawak ko ang classcard ko...nakabilog ang numerong 5 sa classcard ko. kulay red pa yung ginamit na pambilog. punyeta...gusto ko nang matunaw...hiniling ko din nun na sana, hindi na mauso ang classcard kinabukasan.
ayun. nag-summer class ako. tyinaga ko talaga. wala na kong pakialam sa mga sasabihin ng iba. basta ako, magsa-summer.
marami akong nalaman sa loob ng isa't kalahating buwang itinagal ko sa summer class namin. nalaman kong:
*hindi lang pala ako ang may ayaw ng math...madami kami!
*mahirap akyatin ang gusaling may anim na palapag ng walang tigil-tigil.
*mas mahirap akyatin ang gusaling may anim na palapag habang sinasabayan mo ng pagkain.
*mas madaling mag-elevator...
*masarap ang iced coffee sa tanghali.
*minsan, kailangan mong sundin ang kutob mo, kasi mare-realize mo na tama. (dapat talaga pumasok ako eh...)
*maraming gagong prof sa mundo.
*maraming galanteng prof sa mundo.
*marami kang makikilalang friends pag nag-summer ka.
*may mga taong magaling sa math..tamad lang.
*masarap din pala maging mapag-isa habang tinatahak ang byahe pauwi.

at madami pang iba...

hindi ko na sasabihin ang nakuha kong grade nung nag-summer ako. basta kung kao ang papipiliin, mas masarap mag-summer...mapapangiti ka sa grades mo...pramis!

***ang nasa itaas na pic ay isang scratch na ginamit ko nung nag final test na kami. ang buong yellow paper na yan ang nagligtas sa akin sa kapahamakan nung mga panahong iyon. salamat kay kuya dahil sinagot nya ang tanong ko!***