Tuesday, October 30, 2007

Weird Dream Again!

Hindi ko naman napanood ang PBB kagabi pero napanaginipan ko, kasali daw ako sa PBB! Ewan, ang gulo talaga! Tapos sa COC pa yung setting ng panaginip ko...Ang weird kasi wala man lang akong nakitang classmates o ka-tropa, yung mga housemates lang talaga tsaka si Sir Palad (Huh, nu ginagawa nya sa panaginip ko?). Tapos sa panaginip ko, may crush daw ako kay VictoR (Vikterrrrrr) Basa! My goodness...He's so gwapo talaga! And super sexy! Kaso may kumakalat na issue na gay daw sya. Hell, I don't care! Hehehe...At may moments kami ni Vikterrrrrr! OMG!! hehehe....landi ko...Anyways, nasa room daw kaming lahat...ewan ko kung bakit ang dami...di ba 14 lang naman ang mga housemates? Pero parang fifty kami sa room, tapos parang super friends at super close daw kami ni Vikterrr...At nagbubulungan pa daw kami. Eh bingi daw ako sa panaginip ko, kaya naka-limang "Ano?" pa ako kay Vikterrr kahit na super close, as in, two inches na lang ang pagitan ng bibig nya sa tenga ko eh hindi ko pa rin maintindihan yung sinasabi nya. Dun sa pang-lima kong "Ano?", idinikit nya na yung bibig nya sa tenga ko...tapos ayun...kinilig ako. hehehe...nahuli pa kami nung supposed to be na isang "teacher" (what the f***?) na "naglalandian daw pero we never mind her daw...hehehe. Basta super kilig talaga ako! Grabe!!! Hehehe...
Si Treesh naman, yung ka-tropa ko, napaginipan nya daw na girlfriend ako ni Ely Buendia! What da?! Grabe, sana nagkatotoo na lang ang panaginip nya...hehehe.

closeta

Kagabi, hindi ako makatulog. At kagabi ko lang na-realize na mas effective ang talab ng kape sa gabi kapag sa tanghali mo ito ininom...

Kagabi. Nagawa ko na ang lahat ng karaniwan kong ginagawa, matulog lang. Naghawak na ako ng ballpen at papel, gumuhit, nagsulat ng storya (na sa kasamaang palad ay hindi pa tapos at wala na kaong balak pang tapusin dahil tinamad na akong tapusin), Nalinis ko na ang kwarto ko, naipon ko na ang halos limang plastik ng papel na nakakalat sa apat na sulok ng aking kwarto. Natapos na ang Logan's Alley, still, hindi pa din ako dinalaw ng antok.

Habang nakahiga na sa kama, nabaling ang tingin ko sa closetna nasa bandang kanan ng aking kwarto. Nang una, dapat isa itong pinto na magdurugtong sa kwarto ko at sa master's bedroom. Madalas kasi akong atakihin ng hika noong bata pa ako kaya tingin nila, kailangang may "special entrance" ako sa kwarto nila kung sakaling atakihin nga ako. Pero nagdesisyon silang gawin na lang itong closet ko.

Kung titignan sya, para syang refrigerator. Napatungan sya ng pink na wallpaper, kakuay ng wallpaper ng kwarto ko. May nakasabit dito na isang drawing (regalo sa kain ni ai na ginawa naman ni dhennis), isang panda purse na nabili ko sa divisoria, isang necklace na regalo sa kain ng ninang/tita ko, at isang abubot na pink na di ko mawari kung bakit nakasabit ito doon. Nahahati ang cabinet sa dalawang shelves, ung nasa taas na mas malaki ay lagayan ng mga damit ko habang ang mas maliit na nasa ibaba ay lagayan dapat ng mga sapatos, tsinelas, etc...pero ngayon, mga pinaglumaang damit ko na ang nakalagay sa ibabang bahagi ng closet. Ewan ko kung bakit andun pa yung mga lumang damit na yun, wala naman akong nakababatang kapatid na babae, wala akong pagmamanahan ng mga luma kong damit. hehehe. Pero ok lang...

Binuksan ko ang closet. Sa likod ng bukasan, Tumambad sa akin ang pitong libreng stickers mula sa PULP Magazine. Ito yung mga stickers na pinamigay nila noong kasagsagan ng Summer Slam last April (Hindi ako naka-attend dito). Seven Deadly Sins ang tema ng stickers kaya kapag ayaw mo talagang makatulog eh titigan mo lang ang mga stickers, at hintayin mong tumingin sa'yo yung mga taong nasa stickers. Nakahilera sila pa-vertical sa kaliwang side ng closet. Katabi nila ay ang apat na pictures ni Mong Alcaraz, Isang picture ni Miggy Chavez, at isang picture ni Jomal Linao (Oi, Hindi ko sila pinagnanasaan! Promise!)

At ang laman ng closet ko? Malamang damit. Dammmiiiitttt!!!hhehe. Hindi ako pala-ayos ng closet ko. Madalas si Mama ang nag-aayos. Magulo ang closet ko. Madalas natatanggal sa pagkakatiklop ang mga damit kong pambahay kasi marahas akong kumuha ng mga damit. hehehe....Ayun.

Hindi makatulog + Magulong damit sa closet = ....o sya, sya. aayusin na!

habang nagtitiklop n mga dmait, ito ang mga napansin ko sa mga damit ko:

-karamihan ng shorts ko (lima lang ang hindi...) ay ADIDAS. Karamihan, blue, ang ilan naman ay black, red at white. Meron akong tatlong pang-SUNBURN adidas shorts na pwede mo ding ipang-rainy season. Ang lima ko pang natititrang hindi adidas shorts ay ang: blue floral shorts na pinaka-paborito ko sa lahat; my blues clues shorts, galing divisoria, hehe; my yellow floral shorts; my winnie the pooh yellow shorts; and...the...uh...forget it. hehehe

-ang pinaka-luma kong shirt ay isang boracay shirt na bigay sa akin ng uncle ko nang manggaling sila ng baguio. Nasusuot ko pa sya, pantulog na lang kasi ang nipis na nya.

-Ayoko ng red na shirt. Wala akong red na shirt, meron kaong dalawa, pero di ko sinusuot.

Top 5 Fave Shirts:
1. <5>andwich Shirt. Purple sya, binili ko sa branded. Masarap suutin.
2. Alak Sugal Kape Babae Kabaong - Radioactive Sago Project Shirt. Binili ko din sa branded. Yellow naman sya. Komportable.
3. Particles green shirt. Green sya. At masarap suotin. Presko!
4. Cambio shirt. ASteeg! Hehehe...
5. My white particles shirt. lagi kasing natataon na un ang suot kong shirt pag pupunta ako ng rx concert series. heehehe.

-Apat ang maong pants ko. At wala kaong maong shorts. hehehe.

-marami akong pambahay na damit. yung iba, hinihiram ko sa mama ko, tapos di ko na binabalik. :D

-Ngayon, nag-iipon ako ng mga ralph lauren na polo shirts. Yung orig...hehehe. Alam ko na kung anong kaibahan ng orig sa japeyk.

-Apat ang jackets ko. Lahat sila ay sponsored by Adidas.
1. white/black with hood - ito ang sinusuot ko pag may mga gigs.
2. Black with green outline at may malaking tatak ng adidas sa likod - water-proof. kaso walang hood. magkakasakit ka pa din kapag nakalimutan mo ang payong mo.
3. Red/Black - water proof din. ito na ang sinusuot ko kapag bagyo na ang nasa Pilipinas pero di pa din nagdedeklara si Gloria ng suspension ng klase.
4. Purplish..ugh. - Water-proof din. Ayun. Hehehe....

-may mga human na shirts pala kao. hindi ko sinusuot kasi ayoko nung style ng manggas ng shirt ng human eh. Malaki na ang braso ko, pinagmumukha pa nilang malaki. Hindi ako si Luis Manzano!

-Madalas ng mga pang-alis ko dating damit ay pambahy ko na ngayon.

-Ang karaniwang kulay ng mga undies ko ay dilaw, puti at pula. at ang design nila ay hindi suitable sa edad ko. Parang mga undies ng mga batang grade 6. hehehe. Bulaklakin.

-Amoy downy ang lahat ng damit ko. Pwera na lang kapag napatuyo ito sa ilalim ng ulan. hehehe.

-Nasa akin pa ang type A at Type B CAT uniforms ko...Aww...

-Nawawala ang College PE Shirt ko....

Ayun. Halos 50 minutes, natapos kong tiklupin ang lahat ng nasa closet ko. Yehey! Wooh!
At thirty seconds matapos kong maisalansan ang mga dmait ko sa kinalalagyan nila, nakatulog kao ng mahimbing.

Friday, October 26, 2007

bakit kaya ganun ang panaginip ko?

hehehe...ang weird. may pupuntahan daw akong gig. Alam ko yung tanduay rhum rock fest yun eh. Kasi alam ko na andun ang pedicab, cambio tsaka chicosci. Ah..chicosci...nami-miss ko na to. Tagal ko nang di napapanood! paksyets! hehehe...

Anyway...ang weird kasi yung venue nun eh imbis sa Sta. Lu ay sa malapit lang sa amin...kasi nung umuwi dsaw ako nun para magpalit, naririnig ko sa labas ng bahay namin na nagsisimula na. Todo porma pa ako nun. Naka-brown polo na naka-shorts at slippers...hehehe. Tapos, maikli na daw yung buhok ko. Pambihira. Prang hindi talaga ako yun. Nung kasalukuyan pa lang nagbibihis ako, naririnig kong si Kyla yung nagpe-perform...

Si Kyla? Anong ginagawa nya sa rhum rock fest?

ANyway, pagkatapos nI kYLA, narinig ko na yung "I've a plan if you're willing.,..."

Chicosci na! Syempre labas na ako. Nung lumabas ako...yung drumset na lang ang natira, at ang mga yamot na tao. Nagtanong kao kung bakit.

"Nagwalk-out ang koskee..."

Hehehe. Huwaat! Naghanda pa naman ako ng todo, tapos di ko din pala napanood!

Ayun nagising ako. Snubukan kong matulog ulit, kasi hindi ko napanood ang pedicab at cambio, pero di na ako ulit natulog. Putik!

WEIRD.

One of my favorite Songs....

CAMBIOMATIC!


This was my first purchased CD to be signed by all of the members of the band. Starstruck ako nang pinapirmahan ko to. Being able to see one of your favorite bands perform just 3 feet from your seat, I was like completely in high.

Thursday, October 25, 2007

Sinong Bestfriend mo doon?

Pala-kaibigan ako. Pero minsan lang ako makahanap ng mga taong maari kong ituring na pinaka-matalik na kaibigan. Yung itinuturing ko na parang kapatid. At mapalad ako dahil nakilala ko ang dalawang pinaka-malupit na ito:

ALISON SARTE

Nang lumipat kami ng bahay, siya, kasama ang mga pinsan nyang si Poan at Jr ang unang nakipag-kaibigan sa akin. Ipinakilala nya din ako sa iba pang mga bata doon sa Jorville. Mas bata sya sa akin ng dalawang taon, pero kung pagbabasehan ang level ng aming kamulatan tungkol sa mundo, tiyak mapapagkamalan nyong sya ang mas matanda kaysa sa akin. Mataray, ubod ng tapang (masarap kasama to sa awayan at asaran...hehehe) pero isang mabuting kaibigan.

sya nga pala ang:
1. Nagturo sa aking mag bike. Siya at ang pink nyang bike. Nang matuto ako, wala pa rin akong bike, pinapahiram nya ako at napauso namin ang "biking doubles". Ako ang nakaupo sa likuran at may hawak ng manibela habang sya naman ang nasa unahan at pumapadyak ng pedal. Iniikot namin ang buong Jorville nun.
2. Top 1 Bestfriend ko. Ako naman ay Top 2 para sa kanya kasi ang Top 1 nya ay ang pinsan nyang si...nakalimutan ko ang pangalan.
3. Una kong iniyakang kaibigan. Inaway nya kasi ako. Pero nagbati din kami.
4. Kasama kong mag-swimming, kasama ng mga kapatid namin kundi sa kanilang bahay ay sa amin.
5. Natatawag kong "Hoy" at malaya kong namumura. Kahit sya din naman eh.
6. Tanging humahalik sa akin. Ako naman si "punas" girl.
7. Tangi kong nakakasamang maglibot sa buong subdivision namin ng kahit ilang beses habang nagku-kwentuhan at kumakain ng ice candy.
8. Isa sa pinaka-galanteng kaibigan.
9. Nagturo sa kaing kumain ng Bayabas na kapipitas lang mula sa puno. Siya din ang nagturo sa aking umakyat ng puno. hehehe.
10. KAHIT HINDI MO PANSININ NG MATAGAL NA PANAHON, KAPAG NAGKITA KAYO AY PARANG WALANG NANGYARI. Hindi marunong magtampo. hehehe
11. Laging nakakaalala ng birthday ko.
12. Pinaka-malapit sa amin.
13. May palayaw na "Cherry Blossom" habang ako naman ay si "Peach Blossom".
14. Katawagan ko ng "sister" dahil nagbalak kaming mag-madre dati.
15. Ako si Wind ninja. Sya si Water Ninja.
16. May karapatang sabunutan, sapakin at babuyin ang pangalan ko.
17. Natatagalan kong ka-kwentuhan.
18. Tinuruan kong magsaing.
19. Kasama ni Nene ay naglalakad ng dis oras ng gabi para bumili ng siopao o balut.
20. At marami pang iba. SALAMAT SA PAGKAKAIBIGAN. MAHAL KITA.

QUEENEE ANNE MARANAN

Noong una, di ko feel ang babaeng ito. Matalino, at mas malapit sa boys. Hehehee, pero one day habang nakaupo kami sa mga bleachers ng court sa school namin, bigla na lang kaming nag-usap. At nagtuloy-tuloy na.

Sya nga pala ang:
1. Pinaka-maraming style ng pagsusulat ang nagagawa.
2. Mayaman sa mga naging ex-bf's.
3. May bakery.
4. Ang bestfriend kong kailanman ay hindi ko napuntahan ang bahay.
5. Kasama kong manood ng Cannibal Holocaust at iniwan akong mag-isa, ipinahuli sa tita nya habang ang eksena sa pelikula ay nilalaro ng mga babaeng cannibal ang "balls" ng biktima nilang lalaki. Susmaryosep.
6. Tanging nakakaalam ng mga crush ko.
7. Kakopyahan ko ng notes, quizzes, periodical test...etc.
8. Kasama ko dating gumawa ng aking ikalawang friendster account at yahoomail.
9. Lagi kong kasamang gumimik sa ever.
10. Isa sa pinaka-galante.
11. Masipag at napaka-creative. Lalo na pag gumagawa sya ng sulat para sa mga nagiging boyfriend nya.
12. Natatagalan kong kausap sa phone. Hindi kasi ako yung taong mapapatagal mo ng isang oras sa phone.
13. Umiiyak sa swimming pool. At ako ang sumalo ng kahihiyan dahil sa akin sya nakayakap.
14. May karapatang bugbugin ako at murahin.
15. Kakwentuhan sa anumang ka-echosan ng buhay. hehehehe.
16. At marami pang iba. Hoy Queenee! Hehehe...Love you, girl. Hanggang Libing!

reply ng isang kaibigan...salamat kuYa!

my comment for lara; punyemas naman oh bat kelangan ng username sa mundo?!
this is my comment for lara's latest blog entry, kaso nakita kong kelangan pa ng google username and mighty password to post a single comment. darn(nganu man jud kaylangan pa man ug username? dili ba pwede free ta sa tanang username sa kalibutan?) so i decided to post my comment here. to lara: pasensya kana't siguradong di mo maiintindihan pag binasa mo mga entry ko, laking bisaya eh. here it is:out of this world ka ah! ako rin, i came from a catholic school, pero sa totoo lang, hangang dun lang ako. memoryado ko rin mga dasal na dinadasal mo, pero minsan, dahil sa pagiisip, nawawala ako sa dasal. kulet noh, minsan tinatanong mo: is god really eksis? or are there multiple of them? sosyal mga pari ngayon, meron nga silang vow of hulity eh. pero makikita mo sa parokya, may pajero si padre! sa noli me tangere by doktor pepe rizal naman: si pari damaso, akala mong santo, pero ang lakas mamintas! hay buhay this is life. my real point is, nagagandahan ako sa latest write-up mo. astig ka ate! magdasal ka parati, ipagdasal mo na rin safety ang more album ng chicosci and kuya mong!



Ang masasabi ko sa kanya:

MARAMING SALAMAT KUYA! CONGRATS NGA PALA! MAGIGING DADDY KA NA! WOOH! HEHEHE...IPANGALAN MO KAY MONG PAG LALAKI HA? HEHEHE...RAK EN ROL!

FAITH...

Isang araw habang kaming lahat ay nasa hapag-kainan. Natanong ako ng mama ko:

mama: Anak, nagsisimba ka ba?
ako: hindi. nagdadasal ako.
mama: ?

Hindi nya yata na-get ang point ko. At tinawanan nya lamang ito kasabay ang mga kapatid ko, at binigyan nya ako ng "anak, naka-drugs ka ba" na tingin.

Sa bahay, may patakaran kami. kapag hindi nagsimba ang isa sa aming magkakapatid, lahat kami ay kailangang mag-rosaryo pag sumapit ang alas-sais ng gabi. Siguro, ginawa nila ang patakaran na ito para mapatapak nila ako sa bahay ng Diyos , kumanta ng mga kantang papuri, at mapakinggan ang "Salita ng Diyos".

Pero bigo sila. Hindi talaga ako lumalabas ng bahay kapag linggo. At hindi ako nagsisimba.

NAGDADASAL AKO.

Pinag-aral kami sa isang private catholic school. Ang mga section namin ay ipinangalan sa iba't-ibang Santo, at mga magagandang gawain (faith, hope, chorvaness). Meron kaming first friday mass, confession, mass attendance, recollection, feast day of saints, rosary month, immaculate concepcion, marian procession, at kada subject namin ay merong opening at closing prayer. Hinubog kami bilang mga bulilit na alagad ng panginoon. Kabisado ko ang Our Father, Hail Mary, Glory Be, Prayer before and after meal, Rosary (pwera sa mysteries na nalilito pa rin ako), at iba't-iba pa. Noong bata ako, kasali ako sa Legion of Mary. Ang mga post cards nina Mama Mary na may maliit na dedication sa likod ang nag-udyok sa aking sumali. Wala lang, para may mailagay sa notebook at maipagmalaki sa classmates. Kabisado ko ang mga kanta ng simbahan. Paborito ko nga yung "Kunin mo o diyos, at tanggapin mo....". Kilala ko sina Matthew, Mark, Peter, John, Paul, at si Mary Magdalene.

In short, banal talaga ako. Hindi lang talaga ako nagsisimba.

Madalas akong pagalitan dahil sa issue na ito. Bakit daw ako hindi nagsisimba. Ako pa daw ang naturingang babae, ako pa ang nalalayo sa diyos. At ang usapan na iyan ay mauuwi sa issueng wala na akong kwentang anak.

PAMBIHIRA.

Bakit nga ba hindi ako nagsisimba?

Maingay, Text ng text, paypay ng paypay, mga batang ngumangawa, mga lalaking nagyoyosi sa labas ng simbahan, mga mag-jowang naglalampungan habang nangangaral si Father. Mga lolang kala mo e ka-babanal dahil sa ang nakikita ng lahat ay pala-simba sya, pero pag nakalabas na ng simbahan ay kala mo kung sinong makamura ng pagkalutong-lutong, yung iba ay may kalaguyo pa. Mga paring gumagawa ng sariling issue, mga paring mas magaling mamulitika kaysa mangaral ng salita ng diyos. Yown.

Nagdadasal ako.

"Lord, musta na? Ingatan mo ko at ang pamilya ko ah. Wag mo sana kaming pabayaan ngayon. Sana wala saming magkasakit. Love you Lord! Wooh!"

"Sorry nga pala sa mga kasalanan ko, Lord. Sorry."

Dinadasal ko yan. Buong puso. Seryoso.

Hindi na kailangang sundan ang buong proseso ng misa para lang masambit ang mga bagay na iyan. Hindi ko na kailangang kumanta-kanta pa. Hindi ko na kailangang makipag-hawak kamay sa mga hindi ko kilala at makipag sabihan ng "peace be with you". Hindi ko na kailangang lumuhod at magkunwaring seryosong seryoso. Hindi ko na kailangang pumila para makakain ng oscha. At hindi ko rin kailangang magbigay ng pera. Kuripot kasi ako.

Isang meaningful at malamang prayer. Ayos na iyon. At masabi mong mahal mo ang dinadasalan mo. Ayos na iyon.

I'm with THEM!

MGA IDOLO KO!



KRIS GORRA-DANCEL OF CAMBIO, DUSTER, ERASERHEADS AND FATAL POSPOROS
super baet! hehehe


RA RIVERA OF PEDICAB
idol! director, FURBALL PRODUCTIONS...I wish I could work with him...


DIEGO "SHAUN" CASTILLO OF SANDWICH AND SVC.
Crush ko toh!


MIGUEL "MONG/DESTRO/JHOPET" ALCARAZ OF SANDWICH, CHICOSCI, KATIPUNAN SUICIDES, AND SVC.
he's my crush...hehehe. nu rock awards 2006 guitarist of the year!



EBE DANCEL OF SUGARFREE AND CAMBIO
though he's not looking at the camera...hehehe. He's really nice.


MYRENE "MAPS" ACADEMIA OF SANDWICH AND DUSTER
she's my ultimate idol!


Wednesday, October 24, 2007

....Hello...

Gifaree,

All this time, I find myself thinking, and finding the answer to this question,,,

"What will I do after I graduated to college? What will I do for a Job?"

Maraming pumasok sa isip ko. Ilan sa mga ito ay ang pagiging Radio Announcer (DJ), Pagiging Graphic Artist, o magtrabaho sa isang production.

Noong una, kampante ako. Kasi, madami nga akong pwedeng pasukan, hindi ako mauubusan ng mga pwede kong gawin. Pero nang magtagal, unti-unti kong na-realize, na parang hindi tama. At everytime na iisipin ko yun, I found myself distracted, confused, at Frustrated. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nabulag ako sa ideyang marami akong magagawa dahil na din sa madami akong kayang gawin, pero ang totoo, hindi ko alam kung lain ang mas lumalamang sa kanila, hindi ko alam kung saan ako pinaka-magaling, hindi ko alam kung saan ako mas MASAYA.

Ewan ko. Nitong mga nakaraang araw, naguguluhan ako. Gusto kong umalis muna, makapag-isip. Gusto kong libutin ang lugar na kinaroroonan ko ngayon. Gusto kong kilalanin at tuklasin pa ng mabuti ang sarili ko. Pero hinding hindi talaga matuloy. Takot ang humahadlang sa akin para gawin ito. Natatakot ako na baka pagsisihan ko ang bawat desisyong magagawa ko. Natatakot kao na baka mali ang mapili ko.

Noong mga panahong patapos na ang 1st sem, iniisip ko nang mag-shift. Nakita ko ang website ng UP Diliman, yung sa Fine Arts section nila. Kwalipikado sana ako, kundi lang ako nagka-tres sa isang subject. Sayang. Yung ginugusto kong kurso, Inayawan ako. Hehehe.

Hindi rin ako suportado ng dapat ay sumusuporta sa akin. Pinansyal, emosyonal...wala.

Lalo akong naguluhan. Lalo akong nalungkot. Sa puntong gusto ko nang umiyak.

Kagabi, pinagsama-sama ko ang mga kaya kong gawin. Ito ang lumabas.

I can:
Draw, Paint, sculpt, write stories, be a cameraman, a director or be in a production, film or tv. Photography.

Lahat, konektado sa Art.

ART.

Ewan ko kung saan ko to namana. wala kasing artist sa lahi namin. AKo lang. Hehehe. Ewan ko kung saan din ako dadalhin nito.

Nakilala ako nung highschool dahil sa kakayanan ko. At pinipilit ko namang kilalanin ako ng iba pang tao mula dito.

Pero paano?

Yun ang tanong...Paano.

Gifaree, I'm sorry...

Tatlong buwan din pala akong hindi nakapag-post dito. Paensya ka na Gifaree. May napagtuunan kasi akong ibang mga bagay. Pero hayaan mo, magkukwento ulit ako sa iyo.

Kagabi, natapos ko na ang Honey and Clover season 2. Masaya ako, kasi kahit hindi ganun ang inaasahan kong ending ng anime, I find the contentment of the characters in the story. Eto ang aking top 4 Favorite Characters:

1. Morita Shinobu - Sya ang kinakitaan ko ng pinaka-malaking character improvement sa season na ito. Nakita sa series na ito ang serious side nya, at napakita din nya (sa wakas!) kay Hagu ang totoo nyang nararamdaman dito.

2. Shuuji Hanamoto - Gusto ko yung ginawa nyang pagsasakripisyo ng lahat ng kaya nyang isakripisyo para lamang kay Hagu. "Wala ngang makakagawa ng ginawa nya kundi sya lang."

3. Yamada Ayumi - Iyakin pa din sya pero despite of that, at least nakaka-move on na sya kahit papaano kay Mayama. At nang maaksidente si Hagu, hindi nya ito iniwan at ang maganda pa nito, sinusuportahan pa nya si Hagu.

4. Takumi Nomiya - Cool. I love him! hEHEHE...

Ang Top 4 Favorite Episodes ko naman:

1. Yung episode na may flashback tungkol kay Shuuji, Harada at Rikka. Napaiyak ako ng episode na to kasi naawa ako kay Shuuji nung panahong namatay si Harada at parang mamamatay na sa kalungkutan si Rika and still, naramdaman nyang parang wala syang magawa para kay Rika.

2. Nang itakas ni Shinobu si Hagu sa hospital. Nakita ang softer side ni Shinobu. Yung mas caring, at mas seryosong Shinobu. At natulog silang dalawa na magkatabi. Paksyet!

3. Nang inamin ni Nomiya ang feelings nya para kay Yamada. Thumbs Up!

4. Last Episode.Nang umalis na si Takemoto papuntang Shiroka, binigyan sya ng Sandwich ni Hagu. Nang makita nya ang palaman ng Sandwich, Honey ito na may four-leaf lcover sa bawat tinapay. Hindi nya napigilang umiyak habang kinakain ang tinapay habang may voice over ni Hagu, "May you find the happiness you deserve in your life:, Tapos ay sinundan naman ng voice over ni Takemoto "I never regret that I loved you Hagu". Aww...


Lahat ng ginamit na Soundtrack ay panalo. Two thumbs Up para kay Suga Shikao at sa bandang SPITZ!

Definitely, One of my Most Favorite Anime Series.

With Honey and Clover,
LARA