
eto naman...sinulat ko, one night after nung unang gig ng chicosci na naatenan ko sa bridgeway bar sa cainta...with sAydie. ito ang unang gig ng chicosci na napuntahan ko kaya ato, naparami ako ng kwento. dalawang page toh...kaso di ko na nilagay yung 2nd page kasi ayoko. kanang kamay ang pinansulat ko kaya mukhang tanga lang...pero cute naman di ba? hehehe (sa mga di nakakaalam, meron kaong talent na kayang makapagsulat sa kanan at kaliwang kamay...ng maayos at nababasa._
sige na nga, idid-discuss ko na ang talent ko:
pinanganak na akong kaliwete. lahat ng gawaing kinakailangan ng kamay, kaliwa ang pinanggagamit ko. kaliwang kamay din ang pinangdo-drawing, pinangle-lettering at pinang-susulat ko sa mga compositions na kailangang pinapasa ng maganda sa mga teachers. nakapanggagaya ako ng sulat-kamay ng iba, at kung anu-ano pa.
natuto naman akong magsulat sa kanang kamay ko nung grade six ako. gusto ko kasi, maging kakaiba ako sa lahat. kaya ayun, pinaraktis ko...kahit sobrang hirap sa simula. noong mga bandang third year na ako, na-master ko na (hehe). unti-unti nang naiintindihan ang mga sinusulat ko tsaka napapanatili ko na sa line yung mga words. kaya ginagamit kong pansulat ang kanang kamay ko kapag tinatamad ako, kapag masyadong mabilis mag-lecture ang professor at hindi mahabol ang mga notes na kailangang isulat, kapag pumipirma ako, nakakagay din ako ng pirma ng iba, kapag magsusulat ako ng kwento at kapag gusto kong gumawa ng SCRIBBLES na mukha talagang SCRIBBLES.
YUN NAH.
No comments:
Post a Comment