Monday, June 11, 2007

paano ko ba kasi sisimulan?! argh! kaya ayokong maging writer eh!

problem no. 1:

meron po akong storyang naiisip ngayon. tungkol sya sa...(ay, hindi ko na lang pala isusulat, kasi baka makuha ng iba ang ideya ko, baka i-claim pa nila na kanila yun, hehehe). mayroon na pong character's description, plot ng story, concept, sequences at pati soundtrack...(nakuha ko yun sa isang libro ni kuya na may kalakip na cd. kapag binabasa mo ang isang chapter, may kaakibat iyon na isang kanta sa cd, bale habang binabasa mo yung isang chapter na yun, nakikinig ka rin ng music na related dun sa chapter na yun! sweet!) hehehe, kaso ang PROBLEMA KO, hindi ko masimulan ang storya! putrages! hindi ko alam kung paano ko gagawin! eto ang aking mga choices:

plan A: gagawin ang traditional na ginagawa ko na may narrator tapos pa-script ang tema simple ang words tapso detalyado ang bawat galaw ng bawat characters, parang ganito po oh...

veda: (sinisigawan si Rico) chorva ka talaga, ek ek to the highest level...
rico: same to you! bitch!

the problem with this: wala naman...hehehe..magastos lang sa notebook at lagi akong nawawalan ng ballpen...

plan B: gagawin kong pa-SCRIPT talaga. yung mga ginagawa talaga ng mga professional writers... parang ganito po oh...

act twenty-two, scene 67
Sa Bahay nina Veda
Madilim, may batang nakasilip sa bintana, duguan ang ilong...nakikiusyoso sa away ng magkasintahang sina Veda at Rico.
Veda
chorva ka talaga, ek ek to the highest level!
Rico
same to you, bitch!

the problem with this: hindi ako Professional Writer...iniisip ko lang na ganun ako. tsaka super ma-detalye!

plan C: si main character mismo ang mag-na-narrate. parang ganito po oh...

ngayon ay talaga namang galit na galit na ako kay Rico. gusto ko na syang sapakin! "chorva ka talaga, ek ek to the highest level!"
ngunit hindi ko inaasahan ang malamig nyang tugon, "same to you, bitch!" at agad nya akong nilisan...iniwan akong luhaan.

the problem with this: basta..mahirap i-explain...

whaaat?! naguguluhan na talaga ako sobra!

nakakainis!



No comments: