Friday, June 15, 2007

let's get it on!

pasukan na naman...

sa unang linggo ng pagpasok ko, masasabi kong...

"hindi na ako pwedeng umabsent dahil sa gusto ko lang. Iba na ngayon, Ang sisipag pumasok ng mga pRofessors namin!!!"

more into writing kami ngayong 1st semester...radio and tv writing, philippine literature...wuut! ayus! interesting ang lahat ng topics..sana lang talaga magsipag ako ngayon...

namomroblema pa din ako dun kay Maam Pat...pag nakikita ko sya, talagang di ko mapigilang kabahan..ewan ko ba.

anyway, ikukwento ko na din ang nangyari sa unang araw ng pasukan.

MASAKLAP!

Bukod sa sobrang hapdi ng singaw ko ng araw na iyon, kumirot din ang mga mata ko. ewan ko kung bakit. siguro kaka-internet araw-araw...sobrang sakit talaga ng mga mata ko, yung tipong naluluha talaga ako. isa pa yang singaw na yan...wala nang narinig sa akin ang mga kaklase ko kundi "shet! ang sakit talaga ng singaw ko!" hindi ako nakakainom ng hindi gumagamit ng straw...shocks talaga..pagkatapos ng ng pasakit na ito, talaga namang isusumpA ko ang mga Singaw! pramis yan!

at di pa nagtatapos ang kamalasan ko...nakatapak ako ng urgh! punyeta talaga..nakakahiya! pero di napansin ng mga kaklase ko, immune na yata sila sa amoy na ganun eh...hehe. tanging kami lang ni cheenie ang nakakaalam...kaya ayun..nagamit namin ng sobra ang mga pabango namin..huwag lang naming maamoy ang super foul na amoy...tang ina talaga. Simula ngayon, hindi na ako dadaan sa mga damuhan..putang na, di na talaga.

ayos ang mga pRofEssors ngayon, may maipagmamayabang. at masasabi kong magagaling at Masisipag magsipasok. yung isa,,,kamukha ni Mrs. Manubay (teacher namin sa science nung highschool). pati pananamit, kuhang kuha! WHAT?! meron namang isa, kala mo kulang sa sustansya...super payat! yung isa naman, pang miss universe...hehehe...dun sa klaseng yun ako nakatapak ng jerbacks...kala nga namin, teacher ulit namin si Seeerrrr CaƱega..sayang talaga... nami-miss ko na ang kagwapuhan nun eh..hehehe.

hindi ko pa nakikita ang ilan naming classmates. ewan ko kung bakit o ano na bang nangyari sa mga yhun....

basta. sana maging masaya ang semestreng ito..at wala sana akong i-drop, i-wtihdraw at i-singko.

"What?!"

P.S
Love ko na si Bodie. Sabi ko na sya si Piolo eh!

What?!?!?!

currently listening to: Goodnight January - sandwich...
thinking a long way home....

No comments: