Sunday, February 17, 2008

dear blog.

My first Memorable Saturday of this Year: Asteeg!

Two words can describe yesterday, February 16, 2008: ASTEEG and GIGGLY!

ASTEEG.

Umalis ako ng bahay kahapon dahil nag-practice kaming tumugtog ng mga co-listers ko na sina Aprelle at Grasha. Balak kasi naming tumugtog sa Lister’s Night ng Sandwich. Una kaming nagkita sa Trinoma, then Dumaan kaming SM North Edsa, tapos may gig pala dun kinahapunan ng Valley of Chrome, Imbuenokudos, at yung isang banda na parang South Border lang. Hehehe…

3 pm yung gig, pero dahil 12 pa lang nun ay dumiretso muna kami sa bahay nina Aprelle at nag-practice. Natugtog namin yung ilang chords ng Two Trick Pony, Sugod, Butterfly Carnival, at yung intro ng Procstinator. Galing! First time ko ding nakahawak ng real Bass Guitar (kay Aprelle). Putek, ambigat! Wooh! Hehehe….

Nung nag-3 na, pumunta na kami ng SM North, Tapos nanood kami ng Gig, tapos nun, napag-desisyunan naming dumaan ng UP Fair dahil:

  1. Last Day na. Napapabalitang madaming magagaling na bandang tutugtog.
  2. Gusto naming ma-experience ang pagiging BOLOKS na walang humpay sa islaman at pangsa-snatch ng Cellphone, MP3, at digicam.
  3. Gusto namin ng isaw. (Hindi din kami nakakain kasi ang mahal. Putek!

Nang makapunta na kami sa Peyups, Putik! And daming tao! Ang dami-dami talaga! Lalo na yung mga boloks! 80 pesos ang ticket. Mas mura sa 85 pesos na ticket namin nung Album launch. Pero dahil nga biglaan lang ang pagpunta namin dun at waa kaming masyadong kadatungan, hindi kami makapasok. Imposible ding pumuslit at mang-gate crash kasi ang daming tanod, bantay, at gwardya. Ang haba pa ng pila ng mga taong gustong pumasok. Ang ganda pa naman ng line-up ng mga banda. Nakakapanghinayang kundi mo panonoorin. Tsk Tsk…

Tapos na? Hindi pa!

Hindi kami nawalan ng Pag-asa! Pumunta kami sa Backstage, yung daanan ng mga Bandang mag-pe-perform. Tambay muna kami dun ng tatlong oras, nag-iintay ng kakilala naming pwedeng magpapasok sa amin. Habang nag-iintay, nagkwentuhan muna, tapos kapag may makikitang Banda, go lang sa pa-picture! Napa-sign ko pa yung gtara ko kay Sir Lourd de Veyra! Paksyet! Nakalagay sa Gitara KO:

“SAYANG ‘TO! – LOURD SAGO” (Tinutukoy yung gitara….)

Matapos ang tatlong oras, nakapasok din kami!!! Wooh! Paano? Ayokong Sabihin!!! Sikret lang!!!

Woah. Astig talaga. Halos mangawit ang leeg ko sa dahil bawat lingon namin, nakikita lang naman namin ay sina Armi, Gab, Lalay, Ate Kris, Ate Maps, pati yung mga pinapangarap kong makita noon pa, nakita ko din dun, at nakakasalamuha ko at minsan ay natatabihan ko pang manood ng mga tumutugtog na banda! Andun yung tatlo sa Eheads (Sir Raims, Sir Buddy and Sir Marcus), kaya, Grabe talaga! Minsan, uupo ako sa isang hagdan dun, katabi ko si Mong, si Steve o kaya si Kuya Jal at Kuya Kaka. Pero ang matindi ay nung makatabi ko si Sir Marcus manuod ng gig! Ampotah, Idol ko yun! Gusto ko talagang maiyak.

Ang saya kasi kahit isang gabi lang, ramdam namin na parang isa na kami sa kanila. Ganun pala ang itsura ng backstage ng mga gig. Feel namin, isa din kami sa mga tutugtog kasi may dala pa kaming gitara, napuna pa kami ni Sir Raims at ni Sir Lourd, tinatanong kung tutugtog daw ba kami. Hehehe…Iniisip ko noong mga oras na yon, sana nga, makatugtog kami sa ganung gig. Ang saya, Ibang-iba ang Atmosphere, bukod sa amoy usok ng Yosi….hehehe. LAHAT NG HINAHANAP NAMIN, LAHAT AY NANDON!

Eto na ang pinaka-iintay!

GIGGLE MOMENTS! F*ck, Andun yung mga crush ko! Sina Chris Padilla ng Hilera, Tani ng The Dorques, at si 8 ng Queso! Sayang Wala sina Marc Abaya at Ian (di ko naabutan) ng Queso. Sayang talaga…Nakapagpa-pic ako kay Chris Padilla, niakbayan pa ako! Kinikilig talaga ako nun, kahit nasa likod ko lang sya…Syett talaga. Tapos, nakita namin si Mong, nagpa-pic sina Grasha at Aprelle…tapos ako, parang okay…. Nung nakatabi ko sa hagdan sina Mong, Miggy at Calde (next na islang magpe-perform nun eh), Humingi ako ng Yosi kay Mong. Kaso umiling sya, wala daw! Waah….Pero hndi ako sumuko! Pagkatapos ng set nila, nilapitan ko ulit sya!

Lara: Kuya Mong! Penge naman ng Pick!

Mong: (Hinawakan yung mga braso ko, tapos shinake-shake) Wala na,nahingi na. Sayang. Next time na lang.

Lara: (Woah)…..

Mukha akong tanga nun, kasi napatulala lang ako, sabay sabing okay. Hehehe…Tapos nung palabas na si Mong, pagdaan nya sa men, kinanta namin yung “SELOS! Ang bigat ng iyong dala, Hindi ako ang may Sala…” (Compo nya yun sa album ng ). Ayun, natawa sya. Hehehe.

Mga 1:30 nagdesisyon na kaming umuwi. Dapat nga 9, e kaso sa tuwing nagbabalak na kaming umuwi, laging yung mga paborito naming banda na ang susunod kaya nag-se-stay pa kami para lang mapanuod. 1:30 yun na talaga. Syang kasi Urbandub na yung tumugtog., pero ayus lang, napanuod naman namin sila nung last Tuesday. Gusto pa sana naming mag-stay para mapanuod yung Queso, kaso…Kailangan na talaga naming umuwi, Aww….Ayun. Nakauwi kami ng Matiwasay…at nasa balat ko pa yung red na stamp na nagpapasok sa amin. Hehehe…Itatago ko yung Strap…kahit gawa lang sa papel! Wooh!

Mga Napagtanto ko:

  1. Swerte si Aprelle sa Gigs!!!! Wasak!!!
  2. Tatlong Oras na paghihintay, kapalit at higit anim na oras na kaligayahan.
  3. Bait ni Sir Raims! Thank You po ulit! Sana may Lister’s Night talaga!
  4. Cute si Mong, lalo na kapag nagkatinginan kayo ng limang beses.
  5. Masarap ang pakiramdam na napagkakamalan kang isa sa “tutugtog” sa gabing yun, kahit ang totoo ay hindi naman. Hehehe…
  6. Lalo na kung si Lourd de Veyra yung taong napagkamalan kayong tutugtog. Astig!
  7. PUTANG INA NI GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. MAMATAY NA SYA, KASAMA ANG ANGKAN NILA.
  8. Manghingi ng pick, maaga pa lang. At magdala ng yosi para bibigyan mo na lang yung idol mo, in case wala syang dala.
  9. Mahal ang isaw kapag UP Fair.
  10. TOTOO ang Chismis!!! Waah! Selos! Ang bigat ng yong dala, hindi ako ang may sala!!!!
  11. Makakalimutin ako. Pasensya na kay Bernard na kaklase ko daw nung Grade 4. Tol, Sensya talaga, di kita matandaan. Bakit ako natatandaan mo pa?! Crush mo ko no? Hehehe…Wasak.
  12. Crush ko na ulit si Mong.
  13. Ang daming Boloks. Patay na siguro kami kung nasa crowd kami.
  14. Gumanda ang gitara ko kasi may Pirma ni Lourd de Veyra.
  15. Tek-pu! Ang gwapo ni Chris!
  16. Walang mabahong nagbabanda.
  17. Ang tahimik ni Miggy.
  18. Hindi ko pa nakikita si Ian!
  19. Bagay kay Calde ang Orange.
  20. Kapag hindi kilala ang idol, o nakalimutan yung pangalan, tawagin na lang na “Ser”.
  21. Ang sarap sa tenga ng mura ni Tuesday Vargas. Totoo…ewan ko, naastigan lang ako. Hehehe. Pero hindi ako yung minura nya ah! Bait nga nya eh!
  22. Mababait silang Lahat!
  23. Minsan, masayang maging “FAN-GIRL”. Hindi masamang lumandi minsan, pwera kung lalaki kang lumalandi.
  24. Ayokong magkaroon ng boyfriend na Pokpok, Nymphomaniac at Malandi. Gusto ko, kagaya ni Gabo.
  25. Masarap ang Starr Candy.
  26. Kapag dumating na sa iyo ang pagkakataong minsan lang dumating sa iyo, grab the opportunity. Sulitin mo na.

*Salamat kina:

Aprelle at Grasha – Mga nakasama ko sa isang napaka-sayang sabado ng gabi ng aming buhay. Wooh! Giggle!

Sir Raims, and Ate Maps – Yown!!! (Nakita ko nga paal yung tattoo ni Sir Raims…isang malaking A tapos may Kim sa ibaba. Cuteness!

Sir Lourd – Sa pag-sign sa gitara ko.

2 comments:

alex said...

whoah. i see myself in you! in your posts! check my blog out.

Anonymous said...

Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Projetores, I hope you enjoy. The address is http://projetor-brasil.blogspot.com. A hug.