Thursday, December 13, 2007

Fuck THY Shit!!!! Wasak!!!

If I could describe the whole week in ONE word? : RESTLESS.

Monday pa lang, ngarag na kami sa kakaplano ng maing Greek Theater Play sa isa naming major subject. Kami ay tinaguriang grupong MAGDALO. Bumuo kasi kami ng ibang grupo...kasi nung nag-grouping last week eh wala kami. Pambihira. Dahil doon, nagkalituhan, at pinagdesisyunan na lang namin na humiwalay sa mga ibang grupo at bumuo ng isang MAS matatag at MAS nakaaangat na grupo. (Gash...) Dahil sa tropa naman kami ay madali kaming nakapg-plano ng aming gagawin, madaling nagkaroon ng script, at walang hustle sa pamimigay ng characters , lalo na sa Practice at iyon na nga, doon sa naing execution ng aming play.

Nagpraktis kami sa bahay nina Ai. At sa tulong ng butihing boyfriend ni Ai na si Dhen, na nagdiwang din ng kaarawan ng araw na iyon, sya na ang gumawa ng aming backdrop...at si Mighty Mage naman ang gumawa ng aming costume. Malupit... Wala talagang tulog makabisado lang ang script, magkaroon lang ng blockings ng mga characters at iba pa.

Dumating ang araw ng pagtatanghal namin. Syett, kinakabahan kami...bukod kasi sa kami ay grupong MAGDALO, nagpa-importante kami kasi may sarili kaming room na pinagtayuan naming ng aming sariling set. Pinagkaisahan yata kami ng buong klase dahil nag-usap-usap pala sila na iisa na lang ang mga set nila. Di Bale, mas maganda naman ang set namin. Kai sa akin galing ang kurtina...wahehehehe! Minadali pa namin yung kopya ng skrip para kay Maam, dahil tulad ng dati, hindi sinabi sa amin ng mga mahal naming kaklase. Ayun, nagsimula na nga ang play, mAlupit, kahit medyo may mali...Lumabas na maganda ang execution ng mga lines at scenes. Tagumpay!!!

Nung mga panahong iyon, parang nabunutan kami ng tinik sa lalamunan. At nakapagpalabas ng malakas na HAAY SALAMAT!!! At di pa natapos dun! Nagsayaw din kami ng PAPAYA! Hehehe...Habang suot pa din ang aming mga costumes!!!

kung gusto nyong makita, pakibisita...

www.larica22.multiply.com

Ayun...In the End, kung sino pa ang mga ngarag, na pinaghintay ng higit isang linggo na walang grupo at inakalang hindi handa at hndi makakapag-play ay yun pa ang lumabas na maganda.

SABI KO SA INYO EH, WAG NYONG MAMALIITIN ANG MGA MAY BUHAY WASAK!!!
HEHEHE!!!

Sa aking mga ka-grupo...lalo na ang ISPUPS...ang mga BATANG WASAK
Ang galing natin!!! Lab ya Guys!!! Wasak na wasak talaga!!!


AKO SI SAEMAPS

No comments: