mas masarap kasama ang mga kaibigang hindi nangangako, kundi nangsosorpresa.
mas masarap kasama ang mga kaibigang minumura ka kaysa pinupuri ka.
mas masayang kakwentuhan ang mga kaibigang mas gustong magkwentuhan buong araw non-stop kaysa manood ng isang pelikulang MUSICAL.
mas masarap maging kaibigan ang mga taong nakakaaway mo paminsan-minsan.
mas masarap kasama ang mga kaibigang nananakot at nangiiwan sa dilim kaysa nangiiwan sa ere.
mas masarap maging kaibigan ang mga ka-jive mo sa lahat ng mga hilig mo. mapapag-usapan nyo kung saan ang pinaka-malapit at LIBRENG gig.
mas masarap kaibigan ang mga kaibigang minsan lang magparamdam. dahil nami-miss mo sila, mas sumasaya ka kapag nagkita kayo. kesa naman sa palaging andyan physically, wala naman siya emotionally, at spiritually na din. hehehe
mas masarap kaibigan ang mga mapanghusga, dahil dito, natututo ka kung paano mo mababago ang mali sa iyo at mapapanatili ang ayos sa iyo, kesa naman sa tanggap lang ng tanggap kung sino ka, tapos sasabihin ang MALI mo sa iba, sisiraan ka pa. powtang ina...kung sino man siya, tang ina nya.
mas masarap kaibigan ang mga pinapayagang maligo sa ulan, nakikipaglaro ng patintero, rumeresbak sa mga taong umaagrabyado sa'yo, nakikibato ng putik sa mga taga-kabilang subdivision, at sumasama sa iyong libutin ang subdivision nyo ng limang ikot para lang makita ang bahay ng crush nya.
mas masarap kaibigan ang taong may crush din sa crush mo, makakapagsabihan kayo ng mga nalalaman mo sa crush nyo, at imposibleng may kumpetisyon, dahil magkakahiyaan ang dalawa, pipiliting sabihin sa isa't-isa na "Alam mo GURL, mas bagay ka sa kanya. tutal, maganda naman ako at marami pang nagkakandarapa sa akin, sige, ipapaubaya ko na sya sa'yo."
mas masarap maging kaibigan ang nagpapakain ng pancit canton sa bahay, tapos kapag busog na at marami pang natira, ibabato ang natira sa mukha mo at magpapahabol, guguluhin ang sarili nyang bahay tapos pareho din kaming magmamadaling maglinis dahil paparating na ang nanay nya.
mas masarap kaibigan ang nambabati ng Happy Birthday kahit hindi nagpapakita. isisigaw nya lang "Huy Lara! Happy Birthday! painom ka naman dyan!" tapos rereplayan mo ng "Salamat! Gago!"
mas masarap maging kaibigan ang taong mas iniisip ang mga hilig mo kaysa sa mga kailangan mo.
mas masarap kaibigan ang basta bastang pumapasok sa bahay nyo, diretso sa ref, kukuha ng pagkain uupo katabi mo sa sala, aagawin ang remote at ililipat sa MYX, tapso sabay sasabihin sa'yo..."rak en rol!"
mas masarap kaibigan ang nagsasabing no.2 ka sa bestfriends's list nya.
mas masarap kaibigan ang mga taong hinahatian ka ng ice candy "buko flavor" kahit halos kasing laki na lang ito ng middle finger mo.
speaking of middle finger...mas masarap kaibigan ang mga kaibigang nananabi ng "pakyu!"...mas feel mong mahal ka nyang talaga.
mas masarap kaibigan ang hindi nagtatampo sa maliit na bagay. kundi nangaaway sya! hahaha...
mas masarap kaibigan ang mga taong sinasamahan ka hanggang maggabi sa school dahil sa may nag-aabang sa inyo sa labas, may hawak na itak at shot gun...
mas masarap kaibigan ang mga taong nagpapatuloy sa bahay nila para manood ng Hentai...tang ina mo queenee! hahaha...
mas masarap kaibigan ang nagpapatuloy sa bahay, nagpapanood ng cannibal holocaust habang kumakain ka ng tinapay, iiwan ka sandali, at ipapahuli ka sa tita nya na nanonood ng ganung pelikula (saktong natapat ang eksena kung saan pinaglalaruan ng mga cannibal ang "balls" ng lalaking bihag), titignan ka ng masama ng tita nya at iniisip na "gagong bata to ha, baka bad influence pa sa pamangkin ko ah!". mapapayuko ka na lang habang tahimik na sinusumpa ang kaibigan mong iyon na sana isa na sya sa mga pinagpi-pyestahan ng mga cannibals na pinapanood mo.
mas masarap kaibigan ang mga lalaking magagaling gumiling.
mas masarap kaibigan ang mga lalaking sisigawan ka isang umaga dahil daw tinulugan mo sila kagabi sa text.
mas masarap kaibigan ang mga taong tanggap ka kung ano ka. aasarin ka nga lang nila kung bakit pawis na naman ang kilikili mo, sasabihn "Hot" ka na naman!
mas masarap maging kaibigan ang nagpapakilala sa iyo ng lalaking mayaman, gwapo at sexy.
mas masarap kaibigan ang mga taong dinadala ka sa iba't-ibang lugar. sabay kayong mangingitim habang naglalakd ng isang oras sa ilalim ng 12:00 sikat ng araw, at kapag nakarating na kayo ay sasabihing uuwi na din agad dahil baka pagalitan na sya ng nanay nya.
mas masarap kaibigan ang nakakasabay mong maligo..at nanghihiram ng sabon, nagpapasabon ng likod, nagpapabantay habang nagbibihis, at nanghihiram ng suklay at nanghihingi ng pulbos.
mas masarap kaibigan ang crush mo.
to be continued...hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment