Leche. Hindi ako nakatulog kagabi. As in wala talaga akong tulog! Ewan ko kung bakit. Unang beses kong naranasan ang ganun...gising buong magdamag! Pero gustong gusto ko nang matulog... ayaw lang talaga akong matulog. Naisakripisyo ko pa tuloy yung unang subject ko kanina. may isa na akong absent!! waahh!!1
Anyways kagabi, mayroong isang "guy" na itago natin sa pangalang "cutterpillow". ewan ko pero nakuha nya ang atensyon ko kagabi kasi mukha syang tanga...at weird. hehehe. may itsura si cutterpillow, siguro freshie coll stud...o baka naman 2nd year na, basta di ko alam...mabalik tayo. Ayun, nagkasabay kami kahapon sa jeep, nauna syang sumakay at ayon na din sa kanya, galing syang TiP...wala naman talaga ang atensyon ko sa kanya kasi mas gwapo (what?!) yung katabi ko eh, hehehe. ewan ko kung bakit nung pareho kaming bumaba, nung natigilan ako para mag-text, tumigil din sya! at nang tignan ko sya, nahuli ko syang nakatingin sa akin! para bang gusto nyang sumabay pa ako sa kanyang maglakad eh pagod na pagod na nga ako eh, talagang binabagalan nyang maglakad! para bang hinihintay pa ako na baka sumunod ako sa kanya...ngunit sya'y nabigo. hehehe. ilang minuto pa, nilingon nya ulit ako, nang makita nyang di ako natinag sa kinatatayuan ko, ayun, umalis na sya, mukhang disappointed (WHAT?! - Bodie?!)
hehehe....Syet...ganda ko talaga!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment