Friday, June 1, 2007

*&^%&*%%^&*%$#@@ mo...dahil sa yo nagiging senti ako...

(1) how can I let go the feeling I have for someone if I have no chance of forgetting him not even a single day? I swear i'd tried the most possible ways to avoid him but upon hearing his laughs, and seeing him sitting in front of our gate, i couldn't help but to admit that the feeling never left me. It's like it'll never leave, placed in my hearts forever. And i will find myself admitting that I still love that F***ing Guy, knowing to myself that I am the one who is suffering depression and the heartache, and he's not. :(

(2)dati, hiningi ko kay s+ ang lighter nya. tinanong nya ko kung bakit ko hinihingi. ang nasabi ko lang ay "wala", pero ang totoo, gusto ko talagang magkaroon ng kahit isang gamit na kanya para matawag na akin DIN. Nasa madilim na jEep kami nun,kaming dalawa lang, nakahiga sa magkabilang upuan, at kinukulong ang bawat isa ng aming paningin. tahimik ang paligid. hawak nya ang lighter, at inilawan ang mukha ko. nasisilaw ako sa kakarampot na liwanag ng lighter na yon pero pinilit kong huwag ipikit ang aking mga mata. gusto ko din kasing makita ang mukha nya sa liwanag na yun. mga ilang segundo ding nanatiling ganon ang sitwasyon, hanggang sa hindi na kinaya ng mata ko ang matinding liwanag at napapikit na ako at napaupo. nang dumilat muli ako, nakita ko siya, nakaupo na din at inaabot sa akin ang lighter. kinuha ko ang lighter sa kamay nya, sabay kaming umalis sa jeep, at nag-kanya-kanya ng umuwi. simula non, iningatan at tinago ko na ang lighter...
isang araw, nakita ko na lang ang lighter, nakalapag sa sahig, sira ang ibabang bahagi nito. nanikip ang dibdib ko. hindi ko alam kung iiyak ba muna ako o magagalit sa kung sino mang sumira nito. tahimik kong pinulot ang lighter, at itinago sa mas safe na lugar, kung saan ako lang ang makakaalam kung nasaan iyon. natanong ko ang sarili ko, "gaano ba kahalaga ang bagay na ito sa akin?"

maya-maya din, nalaman ko ang sagot...

"kasing-halaga ng alaalang nakasama ko sya kahit isang gabi lang..."

No comments: